Lahat ng mga Pambayang Pamahalaang Lokal ng Quirino, pasado sa CFLGA

Naipasa ng lahat ng mga pambayang pamahalaang loka (LGUs) sa lalawigan ng Quirino, particular ang Aglipay, Cabarroguis, Diffun, Maddela, Nagtipunan, at Saguday ang 2024 Child-Friendly Local Governance Audit (CFLGA) na sumasaklaw sa 2022 Performance Year.

Ang pagtamasa sa parangal na ito ay isang patunay ng kanilang pagsusumikap na pangalagaan ang kapakanan at Karapatan ng bawat bata sa lipunan.

Ang CFLGA ay isinasagawa upang malaman ang panunuran ng LGUs sa pagpapatupad ng mga programa at serbisio na makatutulong sa kapakanan at kaunlaran ng mga bata.

Dagdag pa rito, ang mga LGU na pumasa sa CFLGA ay makakatanggap ng Seal of Child-Friendly Local Governance (SCFLG) mula sa Council for the Welfare of Children (CWC) Board bilang simbolo ng kanilang kahusayan sa naturang larangan.

Isang pagpupugay sa amin na LGUs, nawa’y maipagpatuloy ninyo ang pagbibigay ng ligtas na kanlungan sa ating mga batang Kailyan!